United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mapapalad nga at walang dusa: dalawang pusong sa kandungan ng kaligayahan ay umaawit ng tagumpay, nangangarap ng katamisan ng pagibig, ng matamis na pagmamahalan ng puso. Kay palad nga naman! Leoning! Eduardo! Ang mga mapalad na ito ay nagduduyan sa bisig ng maligayang kandungan ng gabing lipus ng pangarap. Kay palad na gabi nga naman noon!
Sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. Eduardo ko! At hindi na natugon ang tawag na ito ni Leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. At ganap na naghari ang katahimikan. Sa bisig ni Eduardo ay waring naghehele si Leoning, nangangarap, nalulugod ang puso.
Hindi na malulwatan at gaganapin sa malaking simbahang S ... dito sa Maynila ang pagiisang dibdib ng dalawang mapalad na malaon ng nanabik at nangangarap sa kandungan ng pagibig. Ang pagiisahing palad nilang ito ay malaon nang binabalak nguni't ngayon lamang sa mga hinaharap na araw isasagawa.
Dapwa't hindî dahil sa lahát nang itó, ay walâ nang maiisip si Gerardo sa boô niyang búhay kundî "bayan." Maminsánminsán din namang masubukan niyá ang kanyang sarili na nangangarap hindî sa kandúngan ng báyan, kundî sa kandungan niyáng mga anáki'y tál