United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Walâ pa akóng sampúng taón nang ako'y maulila sa iná. Palibhasa't nangamatáy ang lahat ng áking kapatíd, nagtamasá ako ng boong láyaw at kasaganáan sa piling ni amá. "Hindî namán ako pángit noóng mga áraw na iyón, kayá't sabihin pa ba, hindì kakauntî ang mga binátang nagnasang maglingkód sa ákin. "Dumatíng ang sandalî na ako'y natútong umíbig. "Dapwa't ¡ay!