United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Untiunting nananag-uli ang cakilakilabot na catahimican ... Nárin~gig ang tinig n~g alférez na sumísigaw at tumatacbo: ¡Padre cura! ¡Padre Salvi! ¡Hali cayó! ¡Miserere! ¡Humihin~gi n~g confesión ang alférez! ang sigáw ni tía Isabel. ¿May sugat ba ang alférez? ang sa cawacasa'y itinanóng ni Linares; ¡ah! At n~gayó'y canyáng nahiwatigang hindi pa palá nan~gún~guyá ang na sa canyáng bibig.
¿Bakit pô ba hindî natin tutularan ang gawa niyáng mahinang catawán n~g halamang iyang humihitic sa dami n~g bulaclac at m~ga búco? anang filósofo, na itinuturò ang isang magandang púnò n~g rosa. Pagcahumihihip ang han~gin at ipinagwawagwagan siya, ang guinagawa niya'y yumúyucod, anaki'y itinatagò ang canyang mahalagang taglay. Cung manatili ang punò n~g rosa sa pagcatuwid, siya'y mababali, isasabog n~g han~gin ang m~ga bulaclac at maluluoy ang m~ga búco. Pagcaraan n~g han~gin, nananag-uli ang punò n~g rosa sa pagtuwid, at ipinagmamalaki ang canyang cayamanan, ¿sino ang sa canya'y macacapípintas dahil sa canyang pahihinuhod sa pan~gan~gailan~gan, sa macatuwid baga'y sa pan~gan~gailan~gang pagyucod? Tan-awain po ninyo roon ang lubhang mayabong na cáhoy na "cúpang" na iyón, na iguinagalaw n~g boong cadakilaan ang canyang na sa caitaasang m~ga dahong pinagpupugaran n~g lawin. Ang "cúpang" na iya'y dinala co ritong galing sa gubat n~g panahong siya'y mahin
Salita Ng Araw