United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya't kanyang naitanong sa sarili: Datapuwa't ang sumagot ay ang kanya na ring sarili; Nakatagpo ko na kaya ang kinatawang ito? Sinagot ng kanya na ring budhi: hindi, hindi, hindi. Hindi pa niya namumukhaan ang kinatawang yaon. Gayon na lamang ang kanyang pagkamangha: isang kinatawan pa ang nakakilalang mauna sa kanya. Nagtataka siya nang gayon na lamang.
Siyang paglin~gon sa kanila n~g lalaking pinanonood na kayaposyapos n~g isang babae. At nakilalang maliwanag ni Elsa. ¡Susss! ang pamanghang wika. ¡Si Dr. Nicandro! ¿Siya n~ga ba? ang pataka ring sambot n~g dalawa. ¡Siya n~ga! ¿At sino kaya ang babae? ang tanong ni Dioni. Namumukhaan ko; isang "maamong kalapati" sa "mayamang alagaan" sa San Juan ... ang pahayag n~g lalaki.