United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Madalás na siyá'y natitigagal at anaki'y nakalilimot samantalang nagmimisa; hindi na lubháng nakikipagsalitaan sa amin, at kitangkita ang canyang pagyayat at ang canyáng pagcawaláng catiwasayan n~g loob," ang sabihan n~g m~ga nagcucumpisal sa canyá. Namamasid n~g "cocinerong" siya'y namamayat n~g namamayat, at dumaraing n~g dî pagpapaunlac sa canyáng m~ga inilulutong pagcain.
Nagníningning ang canyáng m~ga matá, namamayat ang canyáng mukhâ, lugáy at gusót ang canyáng m~ga buhóc, binibigyan siya n~g buwán n~g cacaibáng anyô. ¡Si Sisa! ang bigláng sinabi ni don Filipo, at saca siyá humaráp cay capitang Basilio, samantalang lumálayô ang ulól na babae. ¿Hindi po ba na sa sa bahay siyá n~g médico? ang itinanóng; ¿gumaling na po ba?