United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang maringig, pó, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya, tila pó,i, natataua-taua, at tila naman namamangot-mangot, nguni,t, hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad nang gayon: Basio, icao,i, anac co; icao ay iisa-isang anac co, na minamahal cong totoo, at minamabait co pa; subali,t, ica,i, batang bata pa; ica,i, isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,i, pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para-para ang ating caloloua.