United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,i, ang pag-inom nang alac. Ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling tumanda; cun minsan hinihica, ó namamaga ang dibdib at nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca hindi matablan nang gamot ang caniyang payat na catauan.

Cun namamaga ang boong catauan nang tauo, ó hindi man ang boong catauan, cun hinihipo nang camay ang laman ay malata at malamig; at cun idiniriin nang daliri, ay bungmabaon sa laman ang daliri, at nagcacahucay doon, na hindi nauauala pagcaraca; caya gayon ay sapagca ang pinaca tubig na dating calahoc nang dugo, ay bungmubucod at napapatahan sa ilalim nang balat nang catauan.

Cun mayroong lalaquing ungmiihi nang nana ó cun namamaga ang bayag, ang mabuti doo,i, painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang colotan. Magaling din ang magsumpit siya nang malimit, at magpurga nang bilin sa número 23, na yao,i, gagauin touing lingo. Saca iinumin niya ang bilin sa número 22, hangan sa siya,i, gumaling.

Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailan~gang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at suca; at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting aguardiente. Saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang puti nang itlog at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.

Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

Caya naquiquilalang maguiguing cancro na ang escirro, sapagca ungmiinit at cungmacati ang lugar na quinadoroonan nang bucol, na dahil doo,i, ibig camutin nang maysaquit. Ang bucol ay lungmalaqui, at nagbabago nang hichura, at bucod doon ay sungmasaquit na maminsan minsan, at cun malauon ay parati na. Ang man~ga ugat na nadoroong palibot sa escirro ay namamaga at nan~gin~gitim.

Ang gagauin cun macati ang punong catauan nang lalagui ó nang babayi, pati sa lalaqui, cun ungmuurong ang caniyang punong catauan, at sa namamaga ang bayag ó ungmiihi nang nana. Cun mayroong lalaqui na ungmuurong ang caniyang punong catauan, ay painumin noong picatubig, na nangagaling sa saguing na pinan~gan~ganlang botohan bago bumun~ga.

Cun ang tiyan ang namamaga,i, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang lan~gis, at ang lacad nang camay ay paitaas. Itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo pa cun ang saquit hindi pa nalalauon.

Namamaga ang tiyan; nasisira ang bait nang maysaquit; ang pulso,i, golo, munti at matulin, hindi nacacaalam tauo ang maysaquit, parati siyang nag-uiuica, at doon din sa quinahihig-an ay napapailaguin; ayao siyang tumangap nang anomang gamot. Cun minsan ay linalabasan nang manchang mumunti sa liig, sa licod at dibdib, na ang color ay moradong itim.

Ang saquit na Pulmoníang totoo, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo,i, ang masaquit, at yaon din cun minsan ang pinangagalin~gan nang ética. Pinan~gan~galang Pulmoníang totoo yaong saquit na yaon, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo, siya ang namamaga, na anaqui may sisibol doon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap