United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Walang pagáalinlan~gan na yaóng di nakápagbaon ay siyáng nakásiman~got, pagka't wala n~g masaráp na aliwan sa bayan n~g Antipulo na para n~g magbasá n~g aklát. Maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbasá n~g aklat: iyán ang buhay mayaman.
Anim na binibini ang nan~gakálupasay sa lilim nang isáng puno n~g manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng magágandá; pawa siláng mahíhinhín; n~guni't ang katakátaká, ang apat ay nakátawa at ang dalawá ay nakásiman~got. Sa lihim kong pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay nakápagdalá n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot.