United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bawa't puso ay waring nalulugod, bawa't diwa ay nasisiyahan sa idinudulot ng magandang panahon! Ang mga bulaklak na waring mga nagsisibukad dili ay tila, mga nakangiting lahat dahilan sa patak ng biyayang hamog na siyang nagpapasariwa. Ang dahon ng kahoy na mga nalalanta at tuloy na mga nalalaing ay parapara bang nagsisipanariwang lahat, na nanauli sa dati.
Bagama't si Edeng at si Manuel ay hindi nagkakausap ay nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang maligaya sapagka't alam ng bawa't isa na wagas na pag-irog ang katapat ng kanilang walang kasinglaking pag-ibig at may pag-asa sa isang nakangiting hinaharap at sa luwalhati ng kanilang lihim na pagmamahalan. Tundo, Sept. 5, 1913. Ilang maralitang kuro