United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Parang walang namamalas na tao sa kanilang palibid, ay sapupo n~g isang kamay n~g lalaki ang maliit na baywang n~g babae, at ang isang palad nito'y matiwalang nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa't bulun~gan ay halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha n~g isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa ... Ang masasayang n~giti't makahulugang m~ga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag n~g loob, at ang m~ga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon n~g kaligayahang pabihibihirang ipagbiyaya n~g panahon sa tao.
Si Elsa ay mahinay na lumalakad n~g ang kanyang isang palad ay mahigpit na nakakapit sa bisig ni Tirso. N~guni't kung nang gabing iyo'y naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha n~g mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang n~g kanyang dibdib. Nang dumating sila sa liwasang Lawton ay natanawan na nilang idinaraos na kasalukuyan ang inauguracion n~g "Quezon Gate".
Salita Ng Araw