United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng salitâng programa. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng labingánim na Waltz, labindalawáng two-steps at dalawáng rigodon. "Ano't may rigodon pa?" ang payamót na tanóng ng isáng naka-lana sa kanyáng kálapit "Que torpe! Anóng mahihitâ sa rigodon?... Walâ kundî.... kamáy.

"Pero, demonyo!" ang mulîng putók ng naka-lana "Anó ang hinihintáy nitóng si Pepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan, diantre?.... Co ! naghihintay ang mga visita, pu !" "Huwág kang mainip, katóto" anáng naka-itím "huwag kang mainip at sásapulan na raw!" "Sásapulan! pero kailán pa? ¡demonyo!"

Ang naka-lana ay si Juancho! si Juanchong masidhing kaaway ni Gerardo sa lahat ng bagay; ang nabigông kandidato sa kamay ni Elena, ang bunsong kapatid ni Kápitang Memò na kanyang kinasapakat sa madugô niyáng paghihigantí kay Gerardo! paghihigantíng gáganapin nilá sa gabí ding iyón!....

"Que Choy ni que báchoy!" ang ángil ng naka-lana, at hinagisan ng dalawang ingos ang isáng naka-kakeng kulot ang buhók na sa pagka't lubhâng mahiluhín ay walâng ináabangan sa alín mang sayawan kundî ang pasimulâng-tugtóg ng mga rigodon. Itó ang si Choy na noo'y kasalukúyang nagpapantíng ang mga taynga, sapagka't malayôlayô man siya'y kanyang naulinígan ang salitaan ng dalawa. Manganínganíng sugurin ang naka-lana at sikangan ang walâng pitagang bungang

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap