United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Sino ka bagá, ha?" ang mulîng tanong ng naka-itim, at pagdaka'y sinulot sa tagilíran ang nakabalatkayô. "Aruy! Tinamaan ka ng...!" Ang ¡aruy! ay ibinunga ng isáng tábig ng demonyóng nakilitî tabig na tumam

Ang banáyad nguni't matitinding pangungusap ng pangulo, ang nanginginig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paningin, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá. Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limang minuto; walâ pa ring sagót. Walang kamalák-malák ay nangagtilian ang mga babáe. "Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko!

"Pero, demonyo!" ang mulîng putók ng naka-lana "Anó ang hinihintáy nitóng si Pepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan, diantre?.... Co ! naghihintay ang mga visita, pu !" "Huwág kang mainip, katóto" anáng naka-itím "huwag kang mainip at sásapulan na raw!" "Sásapulan! pero kailán pa? ¡demonyo!"

Sa gayóng lagay ni Juancho, ay di niyá nápapansín ang ikinindát-kindát sa kanyá ng kanyáng mga manók na ang ibig sabihi'y "Lantakan mo!"; di niya nararamdamán ang mga kalabít sa kanyá ng mga násalikod; di niya alumána ang pangungunot ng noó ng naka-itim na nang di na makapagbatá ay bigláng lumundág at úbos lakás na inahiyáw ang isáng matápang na "G. Pangulo!!"