United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Manan~ga'y tumahimik na n~ga siya't kanyang pagaralang pawiin sa alaala ang pan~gala't larawan n~g babaeng bumitay n~g kanyang magandang pagasa. Samantala, sa isa sa m~ga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay ang sulat ni Elsa na kinalilimbagan n~g isang pagibig na walang kapantay sa karubduban. Ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay hindi nakakikilala n~g pagmamaliw.
Salita Ng Araw