United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Kaululán!" ang sigáw ng pinunò na muling tumungó, nagsalikod kamay at nagyao't dito "Ang mga ulol na nagsasawa sa búhay ang tangi lang makasusunód sa mga áral na iyán! Ang mga pulís ko ay hindi mga ulól! Kung kayâ sila nangagsiúrong na gaya ng sabi mo ay hindî sapagka't sila'y mga duwag, kundi sapagka't sila'y nátutong gumamit ng ulo, natutong gumamit ng sentido común. Alám nilá ang halagá ng búhay; silá ay mga padres de familia; may mga anak, asáwa, magulang na sa kaniláng-kanilá lang umaása; bakin kayâ at hihinting sila'y magpatiwakál?" at dito'y hinaráp na naman ang binat

Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: Sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang.

Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong paguulikulik n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. Si Dioni iyan, ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. Saka bumaling sa hipag at sinabi: Si Tirso ito.... Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap