United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinaharap ka sa akin ng iyong kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. At buhat noo'y tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo nagkita, tatlong buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag pa sa dati ko nang tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking ama. Oo; kumulang humigit sa dalawang buwan.
At palibhasa'y nahalata kong ayaw kang maniwala, ay isinamo kong ako'y iyong patawarin. Sa aking pagmamakaawa'y nahabag ka. Pinaupo mo ako sa iyong tabi at matagal tayong nagusap. ¿Pinatatawad mo ba ako? ang una at kiming tanong ko sa iyo. Mamaya mo malalaman ang tugon mo. Ayoko ng mamaya pa ang malambing na ulit ko. Oo, pinatatawad kita ang pangiting salo mo naman.