United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sino ang may diwang masama na nagpatama sa bisig niya ng punglo? Alamin natin! Ang gulong yaon ay nakabulahaw ng gayon na lamang karaming tao. Sino nga naman ang may kagagawan noon? Isang bisig ang inaagusan ng dugong hindi maampat ang pagtulo. Waring lalong naghuhumapdi habang nagtatagal.

Mga Manggagawa: Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig.

Papaáno'y ang boông pag-iisip ni Kápitang Memò ay nabubuntón sa isásakdál na mulâ, nang tamáan ng kanyáng matá ay pinasikdósikdó ang loob niyá nang gayón na lang. ¡Kanyá mandín natatandâan ang húbog ng pangangatawán ng amerikánong itó!... Túnay nga kayáng ito'y si ... si ... si Stag? Habang nagtatagál ang kanyang pagmamasíd ay lalò at lalòng nakikilála ang pinagmamasdán.

Kaikailan man ay hindi siya nan~gimi sa harap ni Teang kundi nang m~ga sandaling yaon. Samantalang si Tirso, habang nagtatagal n~g pagmamalas sa kaibigibig na alindog n~g babaeng unang nagkapan~galan sa kanyang puso, ay lalo nang napapatdahan n~g dila't sa laki n~g galak na lumulunod sa kaluluwa'y hindi makabigkas n~g isa mang kataga. Subali't si Teang ay patuloy sa pagpapahan~ga....