United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Súlong na, maaabála ka lang sa akin," ang patúloy ng binibinì na may kahálong wari'y hinampó. "Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!" Isang ngitî, isang ngiting malambíng na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinangambahán niyang nagtampó ngang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang. "Anó iyon?
«¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso ang makababatá n~g asal mong liko?» «¡Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...» «Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ... Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...»