United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lagay apat na leguas nang dalauang magsing-liyag, sa malaguing paghihirap cagalita'i, dili hamac. Na sa gayong calayo na at di na niya maquita, hinabol din capagdaca ang nagtaanang dalauá. Nang malapit nang abutan princesa'i, agad nagsaysay, naquita mo na don Juan tayo ngayo'i, aabutan. Cung culanging palad quita ito na ang ating hanga, papataying ualang sala nang haring poon co't, amá.
Ay naguing tinic na bacal ang hari'i, di macaraan, hindi macasagui naman ang cabayong sinasac-yan. Sa malaquing galit bagá sa nagtaanang dalauá, sa cabayo'i, lumunsád na at hinauanan na niya. Husto ngang dalauang arao bago niya nahauanan, at tatlong leguas ang lagay nang dalauang sinusundan. Hinabol nangang muli pa ibig ding mapatáy niya, ibon ang siyang capara tulin nang cabayo bagá.