United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay. ¡Katitiís ka, asawa ko...! ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang sumasakáy na sa "ambulancia." ¡Mauro! ¡Mauro! ang sigaw naman n~g kaawaawang babai.
¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!! ang habol naman n~g m~ga anák. ¡Huwag kayong man~gahapis! ang sa wakas ay nasabi na lamang ni Mauro sa boong pagdaramdam. At ang sasakyang ay matuling tumakbo. At si Serafina at ang kanyang m~ga anák ay nagsiuwi na rin. ¡¡Kaawaawang magiiná!!