United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang hindi pa itinatatag ang Guardia Civil, ang lahat n~g m~ga tulisán halos, liban na lamang sa iilan, nan~gagsisisama dahil sa gútom; nan~gagnanacaw at nan~gan~gagaw upang sila'y huwag mamatay n~g gútom, n~guni't cung macaraan na ang pananalát, mulíng nawawala ang pan~ganib sa m~ga daan; sucat na, upang sila'y mapalayo, ang m~ga caawaawa, n~guni't matatapang na m~ga cuadrillero, na walang dalá cung di m~ga sandatang walang malalaking cahulugan, iyang m~ga taong totoong pinaratan~gan n~g di sapala n~g m~ga nagsisulat tungcol sa ating lupaín; iyang m~ga taong walang ibang carapatán cung hindi ang mamatay at walang ibang tinatanggap na ganting pala cung di libak.
Salita Ng Araw