United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang 1896, ay may dalawang pangkat sa lalawigang Kabite na nagsisipamatnugot sa paghihimagsik doon. Ang nasasakupan n~g una'y ang m~ga bayang Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmari~nas, Silang, Mendez Nuñez at Amadeo, at ang nauukol naman sa huli'y ang iba pang m~ga bayan n~g tinurang lalawigan.
Malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, n~g mabalitaan ang naging wakás n~g buhay n~g Amá n~g "Katípunan." Gayon man, ay hindi rin nagkapangkatpangkat ang m~ga kawal n~g Paghihimagsik at ang lahat ay kumilala sa m~ga nahalal na pinunong nagsisipamatnugot n~g Paghihimagsik sa ilalim n~g kataastaasang pan~gun~gulo ni Emilio Aguinaldo.