United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga masalapi ay nagsisipagpagawa sa kanikanilang mananahi n~g m~ga kasuutang ikatatampok nila't ikauun~gos sa gayak n~g iba: m~ga sutlang kayong pulangpula na animo'y dugo, mayroon namang dilaw na nakikipan~gagaw sa kulay n~g apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari n~g pananagana sa lahat n~g bagay n~g taong sa kanya'y nagpapakahibang ... Ang m~ga maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla n~g isang tumbagang singsing o n~g isang hilakong hikaw, na tan~ging hiyas n~g kanilang karukhaan, nan~gun~gutang n~g salaping patubuan at ... bumibili n~g isang murang balatkayo, isang nakan~gising maskara, upang sa likod n~g m~ga ito'y sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at sandali ring makilahok sa m~ga halakhaka't panunukso sa kakilala't hindi man.