United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !
Oo, maliwanag Eduardo, ang lahat: hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang iyong paglimot? Leoning, walang sangdaling nawaglit man lamang sa alaala ko, ikaw. At di nakita mo na nga ang iyong kasinungalingan? Hindi ako nagsisinungaling; huwag mong paratangan ang sarili ng ganyan, malinis ang tibukin ng aking puso. Na, hindi ka nagsisinungalin? Leoning, isinusumpa ko! Isinusumpa raw! Tunay.
Ah, Eduardo, at hanggang sa ngayon pa ba'y sariwa pa sa puso mo ang lahat ng iyan? Bakit iyong hihinalaing malanta ang lalong sumasariwang pagibig ko sa iyo? Hindi ba siyang katotohanan na limot mo na ang lahat? Leoning, bakit mangyayari naman ang gayon? At hindi ka ba nagsisinungaling sa iyong mga pangungusap? Kausap mo yaring puso. Na, sinungaling! Nagtatapat ng boong puso Leoning.
Salita Ng Araw