United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang unauna'y si don Filipo, na gapós; bumating nacan~gitî sa canyáng asawa; tuman~gis n~g masacláp si Doray at nahirapan ang dalawáng guardia upáng humadláng sa canyá at n~g huwág mayacap ang canyáng asawa. Sumipót na umiiyac na parang musmós si Antoniong anác ni capitana Tinay, bagay na siyang lalong nacáragdag n~g m~ga pagsigáw n~g canyáng familia. Humagulhól si Andóng pagcakita sa canyáng biyanáng babae, na siyáng may cagagawán n~g canyáng pagcapahamac. Baliti rin si Albinong nagseminarista, at gayón din ang dalawáng cambál na anác ni capitana Maria. Masasam