United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kinapopootang totoo n~g m~ga fraile ang m~ga sinusulat ni Rizal, dahil sa pawang pumupucao n~g pagsinta sa kinamulatang lúpâ, nagpapaliwanag n~g catowiran, nagpapakilala n~g sariling dan~gal at camahalan, nagtuturô n~g m~ga catungculan at carapatán at ipinauunáwâ ang m~ga pagdaraya at pan~gan~galacal na guinagawâ sa Religión ni Cristo n~g m~ga nagpapangáp na "cahalili n~g Dios," at napopoot sila n~g di cawas

Bagaman hindî nacararating dito sa Filipinas ay malaki pa marahil ang pagcakilala niya sa lupaing ito at sa m~ga tagarito cay sa maraming nagpapangap na nacacakilalang lubos sa sangcapuluang itó . Sinasabi ni Blumentritt na nagtamo siya n~g isa sa m~ga casayahang lalong malakí, n~g makita at mayacáp niya si Rizal. Nag-ibigan siláng tulad sa tunay na magcapatid, at hindi sila nagpupupuan.

Walang sinasabi sa librong iyon cung ang m~ga hidwang caasalán at ang m~ga malíng pananampalataya n~g halos lahat n~g m~ga filipino, at ang canilang labis na pagca mapaniwalain sa lahat n~g sa canila'y pasampalatayanan n~g m~ga nagpapangap na cahalili n~g Dios, niyang Dios na totoong mahabaguin, dakila sa pagca masintahin sa canyang kinapal, walang han~ggan ang pagca mairuguin sa catowiran; niyang nan~gagpapangap na corderong ma-amo, nagsipanumpang mananatili sa carukhaan, sa pagpapacalinis n~g budhî at calolowa, sa paglayô sa cahalayan at sa maruruming layaw n~g catawan, sa tunay na pagpapacumbaba at pagca masunurin, bago'y ang guinagawa'y lihis na lihis sa canilang m~ga catungculang banal, sa canilang m~ga sumpâ, sa m~ga damdamin n~g bawa't taong may dalisay na calooban....