United States or Argentina ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang hari n~g m~ga tulisán ang bulóng na bumukal sa lahat n~g bibíg. Marahil ay nan~gapahinto n~g malaon ang m~ga nároon kundi siyang pakadin~gig n~g isang sigawang galing sa daan. ¡Sunog! ¡sunog! anáng m~ga taong na sa lansan~gan. Nagkaguló at nagpanakbuhan ang lahat, dátapwa't isang alilang humahaman~gos at halos wala n~g hinin~gá, dahil sa pagtakbó, ang lalong nagpalala n~g gitlá.
Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua sa ugali niyang magpagalagala; ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá sa caniyang asal na dating masama. Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan ang taglay touinang matulis na puñal; paglilibot niya,i, pinaglalamayan, saca ang pagtulog naman ay sa arao.