United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !


Alan~gang malinaw ang isip at alan~gang nahihibang; unat at taas ang m~ga kamay na tila nalulunod at tumatawag n~g makasagip; m~ga matang halos magkanglulusot sa laki n~g sindak, na parang nakakikita n~g isang kapan~ganyayaang mahirap iwasan; m~ga patak n~g luhang pabugsobugsong nanaloy sa humpak n~g pisn~gi: mukhang kahabaghabag na nakikipan~gagaw sa kulay n~g suka; samongsamong na buhok na wari'y dinaanan n~g matinding buhawi; katawang pumapalag na anaki'y nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos ... iyan ang sa biglaang paglalarawa'y siyang pagaanyo n~g babaeng yaon na kinabubuntahan nang umagang iyon n~g dilang pagkagulumihanan sa "Hospital General".

Iya'y hindî ang buhan~gin; iyán ang matigás na balát, ang licód n~g buaya. ¡Nakikita ba ninyó ang paggaláw n~g m~ga cawáyan? Iya'y siyá na nagpupumiglás, datapuwa't siya'y nababaluctot; ¡hintay cayó ...! malakí: may isang dangcál hálos ó mahiguit pa ang lápad n~g canyáng catawán. ¿Anó ang marapat gawin? ang tanun~gan. ¡Hulihin! ang sabi n~g isáng voces. ¡Jesús! at ¿sino ang huhuli?

Pagdaka'y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò. "Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!" ang sunod-sunod na pagbabangong-puri ng dalagang nagpúpumiglás. "Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?"