United States or Nauru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Wala nga akong mga kasama. Bakit ko nga di ibigin at mahalin sila? Sila ang mga anino ng aking mata at ligaya ng aking buhay. Niyakap ng babae ang mga bata, hinagkan ang pilay at naglaro ang luha sa kanyang mga mata. Nabubuhay ang walang ama at walang ina; hindi nabubuhay ang walang Diyos, anang kawikaan. Gayon nagsalitaan at humanda na ng pag-alis ang babae.
Ang balitang natanggap kay Martinez ay lumikha n~g isang malaking sugat sa guwang n~g kanyang puso, sugat na walang tan~ging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: o pagusigin niya kahi't saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat n~g salang ginawa sa kanya, o yao'y ilibing niya sa hukay n~g limot na parang hindi niya naging kakilala kailan man.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap