United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !
Masasaksi mo nga iyan; nguni't hindi mo ba naaalaala na ang buwang iyan ay naglalaho kung sinasaputan ng ulap? Ganyan din naman ang iyong pagibig na mangyayaring maglaho pagdating ng panahon. Huwag mong pahirapan ang aking puso.
At, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni Eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? Ano ang kanyang sasabihin? Si Eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. Tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. Nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan.