United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g gumagayac n~g pagpasa España, inacala ni doña Victorina ang maglagay n~g isáng tagapan~gasiwáng castila, sa pagca't walang tiwala siya sa m~ga filipino naalaala n~g canyang asawa ang isang pamangking na sa Madrid, na nag-aaral n~g pag-aabogado at ipinalalagay na siyang pinacamatalas ang caisipan sa lahat n~g m~ga magcacamag-anac sinulatan n~ga siya, na ipinagpauna ang bayad sa sasacyan n~g pagparito, at naglalacbay-dagat na siyang dito ang tumpá, n~g mapugnaw ang pananag-inip tungcol sa pagdadalang tao.
Siya'y na pa sa Pilipinas na ang catungcula'y Oficial Quinto sa m~ga Aduana, datapuwa't totoong napacalihis ang canyang palad, na bucód sa siya'y nahilong mainam at nabalian siya n~g isang hita samantalang naglalacbay-dagat, binawian siya n~g catungculan n~g macaraan ang labing limáng araw mula n~g siya'y dumating, pagbawing sa capanahuna'y dinala sa canyá n~g "Salvadora", n~g wala na siya cahit isang cuarta man lamang.