United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !
ADHICA: Paglakiplakipín ang A * sa isá lamang capisanang nag-iibigang mahigpít, malacás at nagcácaisang anyô ang magcacapanig. Man~gagtangkilican sa lahát n~g capan~ganiban at pan~gan~gailan~gan. Pagsasan~ggalang laban sa anó mang catampalasanan at gawáng sawî sa catuwiran. Pagpapalagô n~g pag-aaral, n~g pagsasaca at n~g pan~gan~galacal. Pag-iísip at paggamit n~g m~ga pagbabagong cautusán.
Palibhasa'y walang capisanan n~g m~ga mamamayan dito sa atin, sa pagca't hindi nagcacaisang loob ang bayan at ang pamahalaan, ang pamahalaang ito'y marapat na magpatawad sa m~ga camalian, hindi lamang dahil sa siya ma'y nagcacailan~gan din n~g m~ga pagpapatawad cung di naman sa pagca't ang taong canyang pinabayaa't hindi linin~gap ay hindi lubos nanagot sa casalanang canyang magawa, yamang hindi tumanggap n~g malaking caliwanagan ang canyang isip.
Nagnilay-nilay si Ibarra. Guinoo, ang isinagót, ang lalong malaking nais co'y ang ililigaya nitóng aking bayan, ligayang ibig co sanang maguing cautan~gan niya sa Inang Bayan, at sa pagpupumilit n~g aking m~ga cababayan, at mabigkisán ang Inang Bayan at ang aking m~ga cababayan n~g waláng hanggang tali n~g nagcacaisang m~ga adhicá at n~g nagcacaisang m~ga pag-aari.