United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
At gayon din naman ang catagalugan cusang natatan~gi't may in~gat na yaman nagcarón nang uagás bunying catungculan sa lahat nang poóc nang sangcapuluan. Saca isinunod na caniyang inusig yaong pagcucura nang fraileng balauís sa bayang tagalog sila'y mapaalis at pauang clérigo ang siyang mapalit.
Hindi nacaraan ang ilang panahón sa madaling sabi nama, i, nagcataon nagcaron nang isang noong "oposición" sa tanang Diácono mag "cura" ang layon. Noon ay "vacante" yaong catungculan segundo curato sa sagrariong mahal nang bunying S. Pedro balitang Catedral sa sangcapuluan nang Maynilang bayan.
Di pa nagluluat ang panahong ito n~g caniyang pagtangap ng lahat n~g «grado», ano't nagcataon sa Españang reino nagcaron n~g isang malaqui n~gang gulo. Ito'y noong taóng isang libong ganap ualong daan anim na puo't ualong singcad buan n~g Septiembre sa istoriang saad n~g ito'y mangyari caguluhang cagyat.