United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán niyang banig. At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo at pinatay. Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa balón na calaliman. Sa pananaguinip bagá nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigán niyang cama.
"Nagbangon akó at hinánap ang aking magulang. Pinások ko ang kanyáng silíd. Dapwa't ¡oh! ¡Mahabagíng Langit! Ang áking pinakaiirog na amá, ang pinagkakuutángan ko niríng buhay, ang tangi kong kasákasáma araw at gabí, ay naroon sa kanyáng hígaan, nakababád sa dugô, putól ang úlo! "Ako'y nálugmok at nawalán ng diw