United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi nalalamang ang sakit na iyon ay isang sakit ng pusong sawing kapalaran sa kanyang paralumang lumimot. Nagtataka ang kanyang mga kasama sapagka't ginagamot na ng mga bihasang Doctor ay hindi pa rin nagbabago, at habang lumalaon ay waring lalong nagsisidhi ang sakit ng binata. Pati kulay ng pamamalat ng katawan ay nagbago na at namumutlang madilawdilaw. Ano kaya ang kanyang sakit?