United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako po'y ... Tia, ¿hindi ba kayo nagagalit? ¡Lokang bata ito!... Ako po ay ... ako po'y ... nagasawa na. ¿Nagasawa ka? Opo, tia.... ¿Nalalaman n~g kuyang mo? Hindi n~ga po eh.... ¿At nagtanan ka? Opo. ¿Kanino ka nagasawa? Sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan.... ¿Pangalan? Tirso ... ¿Apelyido? Silveira po. ¡Tirso Silveira! Ang matanda ay saglit na nagtun~go n~g tin~gin sa ibaba at nagisip.
Bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni Tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. Ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam n~g layaw at kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, ibigin ma't hindi ay pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay at nalalanta sa tin~gin n~g balana.
Asawa ni Elsa ... patutok sa tayn~gang pakli n~g tinanong ¿Asawa? ang pamanghang ulit sa marahang turing n~g matandang manang. ¿Diyata n~ga baga at nagasawa na ang inyong pamangkin? Tuman~go na lamang si donya Basilia, at sa isang hudyat ay waring sinabing "Mamaya na ninyo malalamang lahat".