United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.
Cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali ma,t, matouá ay houag magpaquita nang quilos na sucat damdamin nang caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang pananalo, sapagca,t, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang nagahis na calarô.