United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito n~ga'y natamo nia ang bun~ga n~g lahat niang halaman at sia niyang ipinakain sa asawang Eva sanpon sa lahat niang inianak.

Di muna linin~gón caming namuhunan nagcandi candili,t, nag pala palayao, guinugol ang puyat at malaquing pagál saca ang ganti mo,i, laso,t, camatayan. Acong nag aruga,t, nag pasupasuso nagtiis nang hirap sapol pagcatauo, di mo na dinamdam inala-ala mo puri,i, inin~gatan tiquis cang naglilo.

N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong Sistidor. Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang nag hahanap n~g galing ó anting-anting. Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting kasangkapang mabuti sa katawan. Anong ibig mong kasangkapan?

Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang.

Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i, malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun nan~gan~ganay.

Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap uala siyang gaua cun hindi humicap, ang pagcain niya ay sa batóng in~gat doon humihin~gi pag dating nang oras. Sa lugar na ualang sucat macaquita siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na, saca sasabihing daling mag handa ca n~g comida,t, aco ay nagugutom na.

Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa dami nang tauo.

¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla. ¿Bakit? Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa n~g retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang m~ga mata n~g nag sisipanood sa akin ang tin~gin, kaya't hindi ang hindi ko sasagutin, dahil sa talos mong malapit n~g mag eleccion ó mag halálan para concejál, ibig kong magprisinta n~g candidatura.

Hangang libing........at di pa natatapos ay sia n~g pagpasok n~g isang matandang babae, iyang ali na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini na kaniyang kinatitirhan. Magandang gabi po ang unang bati n~g binata sa dumating. Magandang gabi po naman ang sagot naman.

Manáng isang dapit hapong makaraan ang dalawang tugtog sa pala-orasán, dalaga'y nanaog tangkáng maglilibang sa magandang kubong talagang aliwan. Kapagdating doo'y biglang napahilig kasabáy ang taghoy luhang nag babatis ¡ay amáng amá ko! ang inahihibik ¿ano't inulila ang anak mong ibig?