United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito ang nag-iui dito cay Hortensio, capatid nang amang pan~galan ay Fabio, at sa isang pinsan ipinaquinuso, ang batang ulila paglabas sa mundo. Icapitong taon ang edad nang bata ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga mabait, marunong, at ang labi,t, dila ay batis nang aral na cahan~ga-han~ga.
Naiuan sa ama na caaua-aua, salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana, naualay sa ina baquit batang bata bagama,t, sa bait ay lubhang matanda. Dan~gang may capatid isang binibini dito sa mag-ama ay siyang nag-iui: pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi, matalinong isip, daig ang lalaqui.