United States or Luxembourg ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mahahalatang hindi gagaling ang maysaquit cun ang pulso,i, hungmihina,t, hindi lungmalambot; cun hindi lungmilinao ang ulo; at cun mahirap sa rati ang paghin~ga; cun ang ilong, ang mata at ang bibig ay tuyo pa mandin sa rati, at ang voces ay nag-iiba. Lalo pang mapan~ganib ang maysaquit, cun nasisira ang bait, at balisang parati, cun tungmitin~gin sa magcabicabila, at ang tiyan ay namamaga.
Ang gagauin sa tauong sinusubaan na ang pan~galan nang castila sa gayong saquit ay desmayo. Ang man~ga tauong sinusubaan, ó nadedesmayo , ay iba,t, iba ang inaasal nila. Mayroong nacacaalam tauo, hindi lamang macapag-uica, na yao,i, marahil dumaan sa man~ga babayi. Ang pulso doon ay hindi lubhang nag-iiba; ang pan~galan nang castila doo,i, deliquio.