United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan n~g damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang maysaquit ay magaling-galing sa man~ga unang arao nang masangrahan.

Datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, ó cun ang saquit ay nadoroon sa muc-ha, ay hilutin arao-arao yaong masaquit nang alac na pinag-tunauan nang caunting ingo , ayon sa turo nang P. Clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. Ang pag-inom nang tubig na linag-yan nang polvos nang ugat nang Malungay , ay mabuti sa saquit na yaon.

Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bun~ga nang cahoy, ó botó nang man~ga bun~ga. Cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti han~guin nang sipit na cauayan.

Saca hihiuain ang sugat; bubunutin ang pana cun nadoroon, at huhugasan ang sugat nang tubig na may asin, at tacluban nang ventosa Mabuti basahin mo ang capítulo 35. Ang gamot sa napaso nang baga ó pólvora, ó sa nabanlian nang anomang mainit.

Ang tauo,i, masasangrahan sa alin mang ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa man~ga ugat na nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso. Cun ualang marunong sumangra, na-aari ang linta ó ang ventosa.

Cun ang baga,i, nadoroon sa loob nang catauan doon sa pinan~gan~ganlang baga, ay gagauin ang man~ga bilin sa capítulo 6 nitong librong ito. Ang gamot sa bicat sa uicang castila,i, lamparónes ó escrófulas. Ang pinan~gan~ganlang bicat ay sungmisibol sa liig ó sa quiliquili; cun minsan hindi doon lamang, cundi sa dibdib at sa lahat na casucasuan nang catauan nang tauo.

Cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailan~gang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong man~ga pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga.

Marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. Ang malimit dumaan doo,i, ang pamamaga niyong man~ga casangcapang nadoroon, na siya ang tinatauag na garrotillo, na camuc-ha rin nang saquit na pulmonía; ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan. Cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag-ya na macalunoc ang tauo nang anoman. Ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin.

Ang tauong sinusubaan dahilan sa man~ga maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin n~g tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.

Bago gamutin ang maysaquit, ay cailan~gang maalaman, at usisain munang maigui, cun ano caya ang saquit niya. Ang lalong maliuag sa lahat ay ang pagquilala nang man~ga saquit; n~guni sa man~ga isusunod cong sasabihin dito, ay mahahalata cun minsan cun anong bagay na saquit ang nadoroon sa may catauan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap