United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito na inusig at cusang hinusay nang naturang Fiscal ang tanang nadamay sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay at pinarusahan ang may casalanan. Binigyang indulto iba naman dito ualang man~ga malay sa nangyaring guló n~guni't yaong ibang may salang totoo lalong nahigpitan sa pagcaca-preso.
Caya n~ga pagdaca ang lahat nang ito sa lacás nang cuarta ay pauang napreso ang abang catuiran nalugmoc na rito sa abáng candun~gan nang dusang totoo. Bucód pa sa rito ay pauang nadamay sina Padre Lara, Sevilla at Dandan, Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar, Tuason, Desiderio tagalog na tanán.
Ang man~ga ministros si Burgos at Basa Antonio Regidor, Paraiso't iba dito ay nadamay ualang malay baga caya nang dinaquip pauang napataca. Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat pauang nan~gaguló ang isip na in~gat caya ang guinaua'y canilang nilacad upang nang mabago ang sa unang hagap.