United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagdamdam naman si don Tiburcio, sa ganang canyá, n~g hindi mawatasang pamamanglaw n~g canyáng dilidilihin ang m~ga unang buwan n~g canyang pag-aasawa na ang caraniwa'y nagtatamasa n~g boong catamisan. N~guni't caniyang taglay ang pagsang-ayon sa sawing capalaran, at humin~gi siyang saclolo sa pag-aalaala sa dinaanan at dinaraanan pang gutom cung sacali. Cailan man ay hindi niya inisip ang luman~goy sa yaman ó magtamo n~g mataas na catungculan, magagaang na camtan ang canyang m~ga adhica n~g loob, hindi malalawac ang canyáng m~ga mithi; datapuwa't ang canyang pusong virgen pa n~g m~ga panahong iyón ay naghan~gad n~g ibang nacasisintahing lubh
Salita Ng Araw