United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi. Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at nacagagalít sa iba.
Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas , ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá. Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan. Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte. Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.