United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tumiguìl ang capisanang iyón sa lalong pinacamalayò, at pinabayaang mag-patuloy na mag-isá ang matandáng lalaki. Isáng catawán n~g tao, na nacabitin sa isáng san~gá n~g puno n~g santól, ang marahang umúugoy sa hihip n~g mahinhíng amihan. Pinagmasdán siyáng sandalî n~g matandâ; nakita niyá ang m~ga paang nanínigas, ang m~ga bisig, ang may dumíng damít, ang ulong nacalun~gayn~gáy.