United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa. ¡Magaling na lamang! ang canyang ibinulong, tila mandin walang nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.
Iniiwan na n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay at silá'y waláng casama; walâ siláng hinuli cung dî ang inahíng manóc na pinatátabâ ni Sisa. Nacahin~gá siyá at lumacás ang canyáng loób. ¡Pagcábabait nilá at pagcágaganda n~g caniláng m~ga calooban!-ang ibinulóng na hálos umíiyac sa catowáan.