United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás. Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g mabiyayang araw n~g Katúbusan.
Sa m~ga mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha sa pawisang noó n~g bawa't isá, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga nagsiaklás. Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa m~ga taksil na yaón.
Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling. ¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito? ¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman? ¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap