United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo n~g m~ga araw na sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa isipan ni Elsa ang nino n~g alinlan~gang nababanghay sa m~ga tanong na itong iniuukol niya sa kanyang sarili: ¿Ano kaya ang tunay na niloloob ni Tirso sa ganito kong katayuan? ¿Bakit kaya't hindi na siya nagbabalak na ako'y ilagay sa kapanatagan, kung aking inuuntag sa kanya ang bagay na ito'y nililibang pa ako sa kung anoanong matatamis na pan~gun~gusap at maririkit na halimbawa? ¿Habang panahon kaya'y ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan ko?
Sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'y hinagisan n~g mapun~gay na sulyap ang mukha ni Elsa. ¡Ah, tila n~ga nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! ¡Hindi n~ga sasalang narinig ni Elsa! ¡Kay samang pagkakatoon! Ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka't may m~ga kaharap.