United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagmagát n~g isá'y Ang pag-hahalal n~g Gobernadorcillo, ito'y isáng comediang patupatuloy ang pananalitâ, nababahagui sa limang pangcat, cathâ n~g isá sa m~ga náriritong caharáp. At ang isa'y may siyam na bahagui, úcol sa dálawáng gabi, isang talinghagang "drama" na ang pamimintás ang tucoy, sinulat n~g isá sa lalong magalíng na poeta dito sa lalawigan at Mariang Makiling ang pamagát.
Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon.