United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dalaga ay parang naacay nang habag sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap: puso,i, itahimic houag mabagabag: ¿anóng magagaua ay hindi mo palad? Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin at sa ibang bagay cusang inahinguil yaong salitaan, at nang di mailing, malubos ang hiya at pagcahilahil.
Caya n~ga,t, naacay sa gauang pagsinta ang Gobernador doon sa Cecilia, na si Quinciano ang pan~galan niya at moli,t, moli n~gang sumasamo siya. Na tangapin yaong caniyang pag-ibig n~guni,t, si Agueda,i, tumanguing malabis, pagca,t, inialay ang pusò at dibdib sa Dios na Hari nang lupa at lan~git.
Datapua,t, tunay na nasayang lamang yaong capagalan nang dalauang hunghang, sa pagca at sila,i, siya pang naácay sa pag-sisisi at pagbabagong buhay. Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit na Hucom ay pinahubaran nang damit, si Santa Dorotea sa laking galit at ipinag-utos nang labis at higpit.