United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pintuang iyán n~g salas, na natátacpan n~g isáng tabing na sutlâ ay siyáng daang patun~gó sa isáng maliit na capilla ó pánalan~ginang dî dapat mawalâ sa alin mang báhay n~g filipino: naririyan ang m~ga "dios lar" ni capitan Tiago, at sinasabi naming m~ga "dios lar," sa pagca't lalong minamágaling n~g guinoong ito ang "politeismo" cay sa "monoteismo" na cailan ma'y hindî niyá naabót n~g pag-iisip. Doo'y may napapanood na m~ga larawan n~g "Sacra Familia" na pawang garing mulâ, sa ulo hangang dibdib, at gayon din ang m~ga dacong dulo n~g m~ga camáy at paa, cristal ang m~ga matá, mahahab